CLICK CLICK!

n0torious.
yan ung isa ko pang blog. mas updated and mas maganda. :)

dreamxx

Sunday, 27 April 2008

  • GOODBYE

    Okay, sa totoo lang, di ko na to inuupdate masyado. Kasi, wala naman pumupunta dito so bakit ko pa gagalawin? Kaya, ito na ang last post ko. Kung pumupunta ka dito, well, sa n0torious ka nalang pumunta. DITO. click niyo yan. Total, mas updated yun, tska ang dami kong pwede gawin dun, at may bumibisita dun.

    GOODBYE daydreamxx.

Thursday, 24 April 2008

  • 8 Waves

    grabe ang saya sa 8 waves! Pagpunta namin dun swimming agad! Haha. Kaso konti lang ung mga swimming pools eh. Pinaka gusto ko ung lap pool. Pero ang ganda lang mag picture sa Noah's Ark. Haha. NAkakainis lang kasi nawala pa hikaw ko! Yung hikaw ko pa naman star and moon, nawala ung moon. Favorite ko pa naman un! As in gustong gusto ko yun eh! Tas nawala lang. Hay naku. Na upload ko na ung pictures sa multiply ko. Kung di ko kayo contacts, pumunta kayo DITO. Pero sobrang limited lang niyan. Konti lang makikita niyo. 18 lang ata, eh hundred plus nakuha namin eh. Haha. Hay naku, basta gusto ko ulit mag swimming! Pero sa Club Manila East naman. Ang ganda dun eh. Haha.

    Yung swimsuit ko di pa rin nababalik kaya sa iba ung ginamit ko, nangheram muna ako. Haha.

    *nakuha ko na contact lenses kanina, suot ko na ngayon. :)*

Monday, 21 April 2008

  • lahat

    Nung thursday, pagbaba ko, nagulat ako kasi sabi ni mommy pupunta kami ng Glorietta. Di kasi kami masyado lumalabas eh, kaya ayun, ang saya. Haha. Bumili ako ng mga damit, pati c Lee. Si dichi bumili ng swimsuit niya sa Freeway. Lahat nga kami naka violet nun eh. Haha. Nung araw din na yun, nahanap na ung white na pants ko. Haha! Sa wakas! Four months un nawala eh. Gift sakin ni Amma nung Christmas. Kaya, finally, masusuot ko na din siya for the FIRST time!

    Nung Saturday naman, nagpagawa ako ng contact lenses, pati c dichi. Tas c Lee nagpagawa ng bagong salamin. Tapos, hinatid namin c dichi sa CSB para kuni mga course cards niya. Nag-antay nlang kami sa Figaro.

    Bukas naman, magswi-swimming kami sa 8 Waves! Yeah. Finally.

    Ngayon, di na ako masyado makaka-update. Haha. Once or twice a week nalang. Bakit? Tingnan niyo DITO.

    GOODBYE.



Tuesday, 15 April 2008

  • Danielle Namelisting

    Sasali ako sa Danielle Namelisting. Actually, di ko pa alam kung anung meron dun. Eh kasi may nag-email sakin, c Ai. Ayun, sabi niya sumali daw ako. Ewan ko nga kung alam na talaga niya ung totoo kong pangalan eh. Kasi nakasulat lang naman sa lahat cyempre, Dane. So, ewan ko dun kung bakit niya ako ine-mail. Pero kahit naman di daw Danielle pangalan mo, pwede ka sumali. Kahit cnu ata pwede, lalo na ung gusto ung pangalan na Danielle. Oh yeah, ganun. Edi sumali ako, mukha namang okay lang sumali dun eh. Haha. Sumali kau kung gusto niyo. Ang ibig sabihin nga pala ng Danielle ay God is my judge. Oh dba? haha. Cge, yun lang. goodbye. :)

Monday, 14 April 2008

  • banner

    Gumawa ako ng banner ng n0torious kanina para sa multiply. Para pag na-click ung picture dun mapupunta sa n0torious. Anyways, natapos ko na din ung pag edit sa n0torious ko at paglagay nung mga poems ko. HAha. Maayos na xa.  So, yun lang. Kaya mabilis lang to. Haha. Kung gusto niyo makita ung banners, tingnan niyo sa multiply ko. Cge, nagmamadali na ako eh. Kaya wala ng links ung iba dyan. Bye!


Sunday, 13 April 2008

  • multiply

    Ung multiply ko, di ko na ina-update. Kasi wala na akong malagay dun. Nakakatamad mag-upload ng pictures at cnu naman may pakielam sa mga pictures namin? Tas blog nman, ang pangit ka kung puro blogs sa anung nangyari sa araw ko ang makikita dun kaya ko nga to ginawa eh para organized. Puro blog lang to at wala nang iba. Pero lagi ko pa din binubuksan yun.

    Ngayon, inaayos ko ung about me sa n0torious. Di ko nga alam kung anu ilalagay eh. Grabe, c daddy kakabukas lang ng aircon. Yay! Ang saya.

    Naghahanap din ako ng magandang plug-ins para dun sa isa. Di ko alam kung anu maganda eh. Basta gusto ko na ung spoiler. Haha. Tas naghahanap din ako ng free online ftp kasi mag eexpire na ung cute ftp sa laptop eh. Tas meron din isang site binigay sakin c Becca sakin na di nag-eexpire free din xa kaso ayau ko na mag-install eh. Baka kasi bumagal ung laptop or computer kaya gusto ko ung online nlang.

    Naghahanap din ako ng site para sa Adobe Photoshop kasi dba nawala nung pina-reformat. Ung sa Adobe kasi trial lang eh. Eh gusto naman namin ung forever na sa computer. Di naman cguro babagal. Haha. Gusto na namin ni dichi ma-install.

    GOODBYE.

Saturday, 12 April 2008

  • nagbalik

    Well, nakabalik na kami. Ang bilis lang noh? Ilang araw lang. So, katulad nang innaasahan, halos puro Wii lang ginawa namin. Cyempre, bago pa eh. Ang sakit nga ng likod ko eh, dahil ata sa baseball, tennis at boxing. Haha. ung iba naman kasing games parang wala lang, di gumagalaw ung katawan. So, ayun. Haha. Tapos nag Taboo din kami at Lego. Haha. nasisiyahan pa ako sa lego lalo na pag gumagawa ng kung anu-anung bagay. Haha. Tas ayun, ang saya! Haha.

    Na-download ko na ung drop-dwon thingy! Haha, akala ko una javascript yun, yun pala plug-in. Spoiler ang tawag dun. Haha. So ayun.

    Kanina, nagcelebrate ulit kami ng birthday ng pinsan ko, ang daming pagkain. yum! Haha. So, yun lang muna.

Wednesday, 09 April 2008

  • Sira

    Whaaaaaaaaaaaaa! Ang epal!! nakakaasar sobra! nakakainis!! tumatagal tuloy ako! ayau mag open ng n0torious! pati ng wordpress admin! Sobrang nanggiigigil na ako!!! Aaaaaaaaaaaaaaaaah!!!

     

    Di muna ako makaka-update dito. Magba-bakasyon muna ako! haha. Asi if eh noh? Basta. ganun na un!

    Matutulog kami ng kapatid ko sa bahay ng pinsan ko. Birthday niya kasi bukas, tas kakabili lang nila ng Wii. Birthday gift ng parents nya sa kanha. So, for sure mag-eenjoy!

Tuesday, 08 April 2008

  • Form

    Kahapon ko pa inaayos ung Ask for Password form nung n0torious, para un sa mga posts na password protected. Ilang oras ko din un ginawa kaso ayau talaga maayos eh. Tapos naalala ko ung site ng achi ko, ung ginawa nyang form for orders & whoot! Freedback!. Yeah, nagawa ko na sa tulong ng Freedback!. Pwede nyo na puntahan DITO. Wheeeee! Di nyo na kelangan pang buksan ung e-mail accounts nyo para lang tanungin sakin ung password.

    Anyways, nung isang araw, nakita ko ung book ni Rachelle. And ohmygosh! nasakin pa din! Hineram ko un last year nung nag-start ako maging mahilig magbasa ng books eh. Nakalimutan ko ibalik hanggang sa last day ng school! sheeks. kakahiya. Madami nga din akongh hineram na books kay Raissa & Maegan eh, pero ung Sabrina the Teenage Witch: All You Need is a Love Spell by Randi Reisfield lang ung book na naiwan sakin. Sorry ulit Rach!

    Yung ibang books na isoli ko naman, lalo na kay Raissa, sa kanya ako pinaka-nakaheram eh. At dun sa book na un, [Sabrina], napakilala si
    Venus, Mars, Cupid at Psyche. Then naalala ko ung book na binigay sakin ng kapatid ko. Mythology: Timeless Tales of Gods and Heroes, by Edith Hamilton. Binasa ko kasi andun sila eh. Tweet. Kaso naboringan din ako pagkatapos ng ilang oras. Kaya binasa ko nlang ung The Alchemist by Paulo Coelho. Di ko pa natatapos kasi bigla ako nagcomputer eh. Una dpat, aayusin ko lang ung form, pero ang tagal nun kaya naisipan ko na din mag blog. Haha.

Sunday, 06 April 2008

  • Twitter

    kaka-sign up ko lang sa Twitter. Parang xang pulse dto sa xanga. Haha. di ko pa alam maxado panu galawin un, pero pag nalaman ko na panu guluhin un, ayos na. Haha. wala pa nga akong friends or whatever eh. Anyways, dun ko nga nakuha ung tweet tweet eh. Haha. ang cute nga eh! Tweet.

daydreamer

  • First Name: Dane.]]
  • Birthdate: 9/27/1994
  • Gender: Female
  • About Me: thirTEEN. Fil-Chi. I ♥ One Tree Hill. I'm a Sophia Bush fan. I'm also a DOG-lover. Adorable pooches. =) I like the shade of purple. I sometimes spend my times reading books. I like playing random stuff & surfing the net just for fun. I also like blogging for my random thoughts. Ü

she.speaks:: (3)

  • haha, akin kasi shi-nutdown ko ung mga dati ko eh. Haha, kaya gumawa ako ng bago. tweet tweet!
  • ei!!!haha...nabukasan q pa tong account na to..:D
  • This site is officially open? whahahha weee! I miss these smileys.

tweet! =)

Special thanks to:
Shorturl for my domain name.